--Ads--

CAUAYAN CITY– Naniniwala ang pamahalaang panlalawigan ng Isabela na ang sanhi ng tumataas ng bilang ng mga nagpopositibo sa COVID-19 ay ang patuloy na paglabag ng mga residente sa health protocols na ipinapatupad ng Inter-Agenct Task Force (IATF).

Sa ngayon ay umaabot na sa mahigit 3,000 ang kabuoang bilang ng nagpositibo sa COVID-19 sa Isabela at mahigit 400 ang aktibong kaso na minomonitor ng mga otoridad.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Atty. Elizabeth Binag, Provincial Information Officer ng Isabela, sinabi niya na bukod sa hindi pagsunod sa mga minimum health standard nakikita ring dahilan ng paglobo ng kaso ng COVID-19 ang pagpupuslit pauwi ng mga residente mula sa iba’t ibang bayan at Lunsod dahil sa bahagyag pagluwag sa pagbabantay ng mga checkpoint sa lalawigan.

Nagiging dahilan din ng mabilis na pagkalat ng virus o transmission ay ang pagiging makasarili ng ilang residente partikular na ang mga NON APOR na hindi sumasailalim sa mga LGU operated quarantine facility.

--Ads--

Bilang hakbang ng Provincial Government para maiwasan na makapasok ang bagong variant ng COVID-19 sa Isabela ay mas hinigpitan na ang monitoring sa mga checkpoint upang matiyak na masala ang mga papasok na mga residente maliban pa sa pagbibigay ng sapat na kaalaman sa mga Isabeliño upang makaiwas sa virus.

Ang bahagi ng pahayag ni Atty. Elizabeth Binag