--Ads--

Isinusulong ng Isabela Anti-Crime Task Force o IACTF ang preventive approach sa pagtugon sa mga usaping may kaugnayan sa kapayapaan at seguridad sa lalawigan.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay IACTF Chairman Ysmael Atienza Sr., sinabi nitong kabilang sa maaaring talakayin sa pagpupulong ng mga kinauukulang awtoridad ang illegal drugs, kriminalidad, paggamit ng baril, at iba pang security concerns.

Ayon kay Atienza, pag-uusapan pa sa kanilang pagpupulong kung paano pagsasama-samahin ang mga naturang usapin at mapagtitibay ang koordinasyon ng mga konseho at ahensyang may kaugnayan sa peace and security.

Layunin din nito na magkaroon ng mas malinaw na talakayan at coordinated na pagtugon sa mga problema sa seguridad bago pa lumala ang mga ito sa mga komunidad.

--Ads--

Patuloy naman ang koordinasyon ng mga awtoridad sa iba’t ibang sektor upang matugunan ang mga usaping may kaugnayan sa seguridad sa lalawigan.