--Ads--

CAUAYAN CITY – Pinaigting ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) ang pagsasailalim sa psychological at stress debriefing sa mga abogado matapos ang pagpatay sa isang hukom sa Metro Manila.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Atty. Domingo ‘Egon’ Cayosa, pangulo ng IBP na isang ironic ang pamamaril kay Judge Maria Theresa Abadilla ng Manila Regional Trial Court o RTC Branch 45 ni Atty. Amador Rebato Jr. na clerk of court sa naturang korte dahil nang mangyari ang insidente ay kasalukuyan ang webinar ng sponsor ng IBP at Philippine Medical Association at Philippine Psychiatric Association.

Ito ay para turuan ang mga abogado sa Pilipinas tungkol sa mental stress.

Dahil dito, paiigtingin nila ang psychological at stress debriefing sa mga abogado, hukom at fiscal dahil kailangan nila ng professional guidelines lalo na ngayong panahon ng COVID-19 pandemic.

--Ads--

Ayon kay Atty. Cayosa, batay sa pag-aaral, isa ang legal profession sa pinaka-stress na trabaho kaya kailangan lamang nila ng gabay.

Kaugnay nito ay marami na ang namatay na abogado dahil sa kanilang trabaho at dumagdag pa ang nararanasang pandemya.

Sa ngayon, ipinapaubaya na lamang ng IBP sa mga awtoridad ang imbestigasyon sa naturang pangyayari.

Ang pahayag ni Atty. Domingo Cayosa