--Ads--

Naglabas na ng warrant of arrest ang International Criminal Court (ICC) laban kay Sen. Ronald Bato dela Rosa.

Gayunman, nilinaw ng DOJ at DILG na wala pa silang natatanggap na impormasyon kaugnay nito.

Dati nang pinangalanan ng ICC si Sen. Bato bilang isa sa mga co-perpetrator o kasabwat sa drug war ni dating pangulong Rodrigo Duterte, na nakakulong at lilitisin na sa The Hague, Netherlands.

Si dela Rosa ay kabilang sa mga tinukoy na co-perpetrators sa kampanya kontra droga ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, kung saan siya nagsilbing hepe ng Philippine National Police (PNP).

--Ads--

Matagal nang hindi nagpapakita sa publiko ang senador mula Nobyembre 2025 hanggang sa kasalukuyan, dahilan upang mapuna ang kanyang patuloy na pagtanggap ng suweldo sa kabila ng kanyang pagkawala sa Senado.

Nauna nang tinanggihan ng Senado ang kahilingan ni dela Rosa na payagan ang kanyang pamilya na gamitin ang kanilang pasilidad sa Baguio.

Kabilang din sa mga pinangalanang personalidad sa imbestigasyon ng ICC ang ilang dating opisyal ng PNP, NBI, PDEA, at Department of Justice.

Si Duterte ay kasalukuyang nakakulong sa ICC Detention Centre sa The Hague, Netherlands.