CAUAYAN CITY– Muling nakapagtala ng 55 panibagong kaso ng COVID-19 ang Isabela ngayong araw at 21 ay naitala mula sa Ilagan City.
Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan patuloy na nakakapagtala ng mga panibagong kaso ng COVID-19 ang Ilagan City sa kabila ng paghihigpit ng mga awtoridad sa pagpapatupad ng mga minimum health standard.
Sa kabuoan ay pumalo na sa mahigit 600 ang kaso ng COVID-19 at mahigit 100 dito ang active cases .
Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa City Inter-Agency Task Force, patuloy ang mahigpit na pagpapatupad ng mga health protocols na ibinaba ng IATF at lokal na pamahalaan upang mapigilan ang pagdami ng mga naitatalang nagpopositibo sa virus .
Ngunit marami pa ring mga residente ang patuloy na sumasaway at hindi tumatalima sa mga ipinag-uutos ng mga kinauukulan.
Sinabi ni City Mayor Jose Marie Diaz na isa sa mga nakikitang dahilan ng pagtaas sa kaso ng COVID-19 noong mga nakalipas na buwan ay dahil sa patuloy na paglabas ng mga tao dahilan para maisailalim sa localized lockdown ang ilang Purok at barangay.










