Isang aksidente ang naganap sa kahabaan ng Aurora-Roxas Road, tapat mismo ng Aurora Elementary School, nitong araw ng Biyernes. Ayon sa mga nakasaksi, parehong binabaybay ng dalawang motorsiklo ang naturang kalsada nang mangyari ang insidente.
Sangkot sa aksidente ang isang pulang motorsiklo na minamaneho ng dalawang estudyante. Nabatid na patungo lamang sana sila sa isang convenience store. Samantala, isang puting motorsiklo naman ang minamaneho ng isang lalaki na nakasalubong nila sa daan.
Matapos ang banggaan, agad na dinala sa pagamutan ang tatlong nasangkot sa insidente. Sa kasalukuyan, parehong sumasailalim sa gamutan ang dalawang estudyante at ang lalaking motorista.
Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang sanhi ng aksidente at kung may pananagutan sa nangyari.











