--Ads--

CAUAYAN CITY– Isinailalim na sa localized lockdown ang tatlong brgy at dalawang subdivision sa matapos na makapagtala ng panibagong nagpositibo sa COVID-19.

Batay sa inilabas na Executive Order no. 82 ng lokal na pamahalaan, sasailalim sa limang araw na lockdown ang Barangay Bagumbayan na nakapagtala ng 5 panibagong positibong kaso, Barangay Baculod na may 16 na panibagong kaso, Sta. Barbara na may 7 kaso at dalawang subdivision na kinabibilangan ng City Homes Subdivision na may apat kaso at Capitol Hills Subdivision na may walong panibagong positibo sa virus.

Nagsimula ang localized lockdown sa mga nabanggit na lugar kaninang tanghali hanggang sa December 21, 2020 upang bigyang daan ang contact tracing sa mga nakasalamuha ng mga nagpositibo