--Ads--

CAUAYAN CITY- Nasira ang ilang mga poste ng ginagawang tulay sa Barangay Gucab, Echague, Isablela dahil sa pagtaas ng antas ng tubig sa ilog.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginoong June Labuguen, residente sa naturang barangay, sinabi niya na tumaglilid na ang ilang mga poste sa pananalasa ng bagyong Kristine ngunit tuluyan na itong nasira dahil sa sumunod pang mga bagyo.

Dahil sa mga pag-ulang nararanasan sa lugar ay patuloy naman ang pagtaas ng tubig kaya’t bumigay na rin ang ilan pang mga poste.