--Ads--
May ilang miyembro ng minority bloc sa Senado ang posibleng sangkot sa anomalya sa flood control projects, ayon kay Senate President Alan Peter Cayetano.
Sa isang FB livestream kasama si Sen. Rodante Marcoleta, ibinunyag ni Cayetano na base sa testimonya ng 18 dating sundalo, may mga senador sa oposisyon na nakabahagi umano sa kickback.
Ito aniya ang dahilan kaya pilit na binabatikos ng minorya ang kanyang pamumuno at ang ika-siyam na pagdinig ng Blue Ribbon Committee ngayong araw.
Nanawagan naman si Marcoleta sa publiko na tutukan ang imbestigasyon dahil magiging krusyal ito sa bansa, sa kabila ng mga tangka umano ng oposisyon na itago ang katotohanan.
--Ads--











