--Ads--

CAUAYAN CITY– Nanatiling hindi madaanan ang ilang tulay sa Isabela dahil sa patuloy na pag-ulan dulot ng tail-end of a frontal system.

Ilan sa mga hindi madaanan ay ang Alicaocao overflow bridge sa Cauayan City kung saan gumagamit ng bangkang de motor ang ilang residente makatawid lamang sa kabilang bahagi ng tulay.

Habang ang ilan naman ay dumadaan sa Naguillian, Isabela upang marating ang forest region ng Cauayan City.

Hindi na rin madaanan ang Cabagan- Santo Tomas overflow Bridge at Santa Maria overflow bridge sa Northern Isabela.

--Ads--

Sa lunsod naman ng Ilagan ay binabantayan ngayon ng mga kasapi ng City Disaster Risk Reduction Management Office at mga kasapi ng City Of Ilagan Police Station ang Baculod overflow bridge.