Magpapatuloy ang impeachment trial laban kay VP Sara Duterte kahit pa magkaroon muli ng pagbabago sa liderato ng Senado ayon sa isang mambabatas.
Ayon kay Bicol Saro party-list Rep. Terry Ridon, tanging ang presiding officer lamang ng impeachment court ang maaaring magbago sakaling magkaroon ng panibagong “kudeta” sa Senado, at kinakailangan lamang manumpa ng bagong uupo sa posisyon.
Matatandaang nag-convene na ang Senado bilang impeachment court kung saan nanumpa na ang 23 senador bilang senator-judges, at si Senate President Alan Peter Cayetano ang tumatayong presiding officer matapos ang pagbabago ng liderato noong Mayo 11.
Sa kabila ng mga usap-usapan ng posibleng panibagong leadership change sa Senado, iginiit ni Ridon na mananatiling tuloy ang impeachment proceedings dahil naitayo na ang impeachment court.











