--Ads--
Posibleng ipagpatuloy ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang pagtataas ng interest rates hanggang 2027 upang mapigilan ang inflation.
Inaasahang pananatilihin muna ng BSP sa 5.5 percent ang policy rate sa Disyembre upang masuri ang epekto ng naunang rate hike noong Oktubre.
Ayon isang ekonomista, posibleng magpatupad muli ng 0.25 percentage point na dagdag sa Pebrero 2027, depende sa magiging datos ng inflation sa Enero.
Gayunman, maaari umanong maging maingat ang BSP sa susunod na hakbang dahil sa mahinang paglago ng ekonomiya, na naitala lamang sa 2.1 percent nitong ikatlong quarter.
--Ads--











