--Ads--
Tinatayang aabot sa 5.6% hanggang 6.4% ang inflation sa Abril 2026, ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas.
Sumipa ang Inflation Rate ng bansa dahil sa pagtaas ng halaga ng produktong petrolyo, pagkain tulad ng bigas, isda at karne, mas mataas na singil sa kuryente, at paghina ng piso.
Gayunman, inaasahang makakatulong ang posibleng pagbaba ng presyo ng gulay at prutas upang bahagyang mapigil ang inflation.
Patuloy namang mino-monitor ng BSP ang mga bagong datos at mga kaganapan sa pandaigdigang merkado, kabilang ang sitwasyon sa Middle East, na maaaring makaapekto sa inflation at ekonomiya ng bansa.
--Ads--









