--Ads--

Posibleng umakyat sa mahigit walong porsiyento ang inflation rate sa bansa ngayong Nobyembre, batay sa pagtaya ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Inaasahang papalo sa 7.2 hanggang 8.2 percent ang inflation rate ngayong Nobyembre, mas mataas sa 7.8 percent na naitala noong Oktubre.

Ayon sa BSP, maaaring magtulak sa pagtaas ng presyo ang mahal na singil sa kuryente at LPG.

Gayunman, posibleng makatulong ang pagbaba ng presyo ng produktong petrolyo at maayos na suplay ng bigas, gulay, karne at isda upang maibsan ang pagtaas ng presyo.

--Ads--