--Ads--
Bumagsak ng 36% ang infrastructure spending ng gobyerno sa unang pitong buwan ng taon, ayon sa Department of Budget and Management o DBM.
Umabot lamang sa ₱457 bilyon ang capital outlays mula Enero hanggang Hulyo, mula sa ₱713.5 bilyon sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.
Ayon sa DBM, pangunahing dahilan nito ang pagbawas ng releases sa DPWH dahil sa pinaigting na procurement compliance, project monitoring at pagsusuri sa mga payment claim at dokumento ng contractors.
Gayunman, lumiit sa apat na porsyento ang pagbaba ng infrastructure spending noong Hulyo, indikasyon ng unti-unting pagbuti ng paggasta ng gobyerno.
--Ads--











