--Ads--
Inilipat ng Sandiganbayan Fifth Division sa Hulyo 28 ang arraignment ni Senador Jinggoy Estrada, dating Kalihim ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na si Manuel Bonoan, at ilang opisyal ng DPWH-National Capital Region (NCR) na nahaharap sa mga kasong plunder at graft.
Orihinal na nakatakda ang arraignment sa Hunyo 30, ngunit ipinagpaliban ito matapos magsumite ng mosyon ang prosekusyon upang alisin si Bonoan bilang akusado sa kaso.
Ang hakbang na ito ay kasunod ng pahayag ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla na si Bonoan ay tatanggalin sa mga isinampang kaso at gagawing state witness.
Inaasahang makatutulong ang testimonya ni Bonoan sa pagpapatibay ng ebidensiya ng prosekusyon laban sa iba pang mga akusado sa kaso.
--Ads--








