--Ads--

Puspusan na ang paghahanda ng Iran para sa public funeral ng yumaong Iranian Supreme Leader na si Ayatollah Ali Khamenei, na nasawi sa gitna ng digmaan sa pagitan ng Iran at Israel noong Pebrero.

May mga malalaking larawan ni Khamenei sa Grand Mosalla sa Tehran kung saan gaganapin ang pangunahing seremonya. Inaasahang dadalo ang nasa 15 hanggang 20 milyong katao, na posibleng maging pinakamalaking state funeral sa kasaysayan ng Iran.

Ayon sa mga opisyal, dadalo rin ang mga kinatawan mula sa humigit-kumulang 30 bansa. Mahigpit naman ang ipinatutupad na seguridad at mga paghihigpit sa trapiko habang nagpapatuloy ang mga paghahanda.

Matapos ang mga seremonya sa Tehran, dadalhin ang labi ni Khamenei sa mga banal na lungsod ng Najaf at Karbala bago tuluyang ilibing sa Mashhad sa Hulyo 9.

--Ads--