Napaulat na naglunsad ang Iran ng mga missile at drone laban sa Israel at Kuwait nitong Linggo, Abril 5, kasunod ng banta ni Donald Trump na mayroon na lamang 48 oras ang Tehran upang makipagkasundo o buksan ang Strait of Hormuz.
Batay sa ulat, kinumpirma ng Kuwait at Israel na kanilang pinagana ang kanilang air defense systems upang harangin ang pinakabagong pag-atake mula sa Iran. Nangyari ito sa gitna ng mahigit isang buwang tumitinding tensyon sa pagitan ng Estados Unidos, Israel, at Iran.
Samantala, mariing kinondena ni Ali Abdollahi Aliabadi ang pahayag ni Trump, at inilarawan ito bilang isang hindi maayos at mapanganib na hakbang. Binigyang-diin din niya na maaaring magdulot ito ng matinding kahihinatnan laban sa Estados Unidos.
Nauna nang nagbigay ng babala si Trump sa pamamagitan ng Truth Social kung saan itinakda niya ang limitadong panahon para sa Iran upang makipagkasundo, kasabay ng banta ng mas matinding aksyon kung hindi ito susunod.










