--Ads--

CAUAYAN CITY – Patay ang isang helper matapos na mabangga ng minamaneho nitong motorsiklo ang isang trailer truck sa national highway sa Bantug, Roxas, Isabela.

Ang biktima ay si Roberto Repalda, 39 anyos, helper at residente ng San Rafael, Roxas, Isabela habang ang tsuper ng trailer truck ay si Mark John Tamayo, 29 anyos, may-asawa, at residente ng Mabuttal West, Ballesteros, Cagayan.

Binabagtas ng motorsiklo ang naturang lansangan patungong hilaga nang umagaw umano linya kaya bumangga sa paparating na trailer truck na patungo sa kasalungat na direksyon.

--Ads--

Nagtamo ng matinding sugat sa ulo ang tsuper ng motorsiklo na dinala pa sa isang ospital sa bayan ng Roxas ngunit idineklarang dead on arrival habang hindi nagtamo ng aumang sugat ang tsuper ng trailer truck.

Dinala na sa Roxas Police Station ang dalawang sasakyan kasama si Tamayo para sa kaukulang disposisyon.