--Ads--

CAUAYAN CITY -Isa ang patay habang siyam ang nasugatan sa naganap na mga aksidente sa mga bayan ng Echague at San Mateo, Isabela.

Ang namatay ay si Anthony Tagacay, 29 anyos,tsuper ng motorsiklo, residente ng barangay Dammang West, Echague, Isabela habang ang nasugatan ay si Sergio Aspa, 29 anyos,tsuper ng honda wave at residente ng barangay Dammang East, Echague, Isabela

Batay sa pagsisisyasat ng mga otoridad, binabagtas ni Tagacay ang lansangan patungong Dammang West nang makarating sa pababang bahagi ng lansangan ay nakabanggaan nito si Aspa.

Agad namang dinala sa pagamutan ang mga biktima upang malapatan ng lunas subalit idineklarang dead on arrival si Tagacay habang inilipat naman ng pagamutan sa Santiago City si Aspa dahil sa tinamong malalang sugat sa katawan.

--Ads--

Samantala, nasugatan ang walong katao sa banggaan ng tricycle at motorsiklo sa barangay Malasin, San Mateo,Isabela.

Ang nasugatan ay si Francisco Carrabbacan, 44anyos, tsuper ng tricycle, residente ng Salinungan West, San Mateo, Isabela.

Sugatan din ang mga pasahero nitong sina Mateo Carrabbacan,12 anyos,residente ng Salinungan west, San Mateo, Isabela; Micheal Angelo Santiago, 31 anyos, residente ng Salinungan East, San Mateo, Isabela; Jasmine Santiago, 30 anyos ,residente ng Salinungan East at Lorna Felix Rigor na residente naman ng Barangay Victoria, San Mateo, Isabela.
Nasugatan din si Edmar Dela Cruz, 16 anyos, tsuper ng Motorsiklo at mga lulan nitong sina Rodel Lungat, 21 anyos ,residente ng Bannawag, Aurora Isabela at Edmar Lagliba na residente naman ng Malasin San Mateo,Isabela.

Batay sa pagsisiyasat ng San Mateo Police Station, binabagtas ng tricycle na minamaneho ni Carrabbacan ang lansangan patungong Alicia, Isabela nang makarating sa pinangyarihan ng aksidente ay bigla umanong umagaw ng linya ang kasalubong na motorsiklong minamaneho naman ni Dela Cruz sanhi para magbanggaan .

Dahil sa lakas ng banggaan ay nagtamo ng sugat sa ibat ibang bahagi ng kanilang katawan ang mga biktima na agad namang dinala sa pagamutan upang malapatan ng lunas.