--Ads--

CAUAYAN CITY – Nasawi ang isang lalaki matapos na mabangga ng van ang minamaneho niyang motorsiklo sa pambansang lansangan sa Dagupan, San Mateo, Isabela.

Ang biktima ay si Efren Fuerte Salvador, residente ng Delfin Albano, Isabela habang ang tsuper ng van ay si Pastor Romeo Concepcion.

Sa imbestigasyon ng San Mateo Police Station, binabagtas ng van ang pambansang lansangan sa barangay Dagupan nang umagaw sa kanyang linya ang motorsiklo na dahilan ng banggaan.

Patungo umano sa Ramon, Isabela ang biktima nang mangyari ang aksidente.

--Ads--

Dinala sa ospital si Salvador subalit binawian din ng buhay.

Agad na nakipag-ugnayan sa pulisya ang tsuper ng van at hinihintay na lamang ang pamilya ni Salvador para sa isasagawang pag-uusap.