CAUAYAN CITY– Natagpuan na ang bangkay ng isa sa dalawang biktima ng pagkalunod sa Ganano River, Purok 5, Brgy. Divisoria, Santiago City.
Nagpapatuloy pa ang retriieval operation sa isa pang biktima ng pagkalunod .
Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan, una nang napaulat ang pagkalunod ng dalawang kabataan sa ilog matapos magbisekleta at magkayayaang lumangoy sa ilog.
Kasama ng dalawang biktima ang isa pa nilang kaibigan na maswerte nakaligtas sa pagkalunod.
Ang mga nalunsod ay sina Earl John Ulep, 19 anyos na taong gulang, Daryl Apostol, 9 anyos kapwa estudyante at residente ng Brgy. Divisoria, Santiago City.
Nakilala naman ang nakaligtas na si Marlon Cariaso, 13 anyos, estudyante at residente ng Brgy. Dubinan, Santiago City.
Natagpuan naman ang ang bangkay ni Earl John Ulep malapit sa lugar kung saan nalunod.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Barangay Kagawad Danilo Miller ng Divisoria, Santiago City, kasalukuyan pa rin ang kanilang retrieval operation kay Daryl Apostol.
Ayon sa Barangay Kagawad gumamit na rin sila drone upang makita ang kabuoang lugar sa pagbabaka-sakaling makita ang nawawala pang si Daryll.
Bukas din anya ang pamilya ng bata na magbigay ng pabuya sa mga taong maaring makatagpo sa katawan ni Daryl .
Tiniyak naman ng Barangay Kagawad na puspusan ang kanilang paghahanap at nanawagan sa mga kalapit lugar ng Santiago City na dinadaluyan ng ilog Ganano na ipagbigay alam sa kanila kapag natagpuan ang katawan ng bata sa kanilang lugar.











