--Ads--

CAUAYAN CITY – Inaprubahan na ng National Inter agency Task Force ang muling pagsailalim ng Lalawigan ng Isabela sa General Community Quarantine mula sa dating modified General Community Quarantine.

Ito ang naging desisyon ng National Inter-agency Task Force matapos hindi maaprubahan ang unang rekomendasiyon ng Provincial Inter Agency Task Force na pagsailalim sa Isabela sa MECQ dahil sa lumolobong COVID-19 cases.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Gov. Rodito Albano, sinabi niya na sa ilalim ng GCQ ay muling ipapatupad ang mas mahigpit ng health protocols.

Aatasan rin ang buong hanay ng pulisya na arestuhin ang sinumang mamamataang hindi nag sususot ng face mask at face shield sa mga pampublikong lugar.

--Ads--

Hihigpitan pa rin ang panuntunan sa pagpasok ng mga Locally Stranded Individuals na pumapasok sa lalawigan buhat sa ibang probinsiya maliban pa sa pagpapatupad ng mandatory quarantine ng 14 to 21 days.

Una na ring inirekomenda kay governor Albano na magpatupad ng Lockdown sa Provincial Capitol gayunman hindi niya ito inaprubahan dahil wala ng ibang pupuntahan ang mga Isabelino.

Sa kasalukuyan ay hihinintay pa ang panibagong guidelines para sa panibagong quarantine protocol ng lalawigan.

Ipapatulad ang GCQ sa Isabela hanggang December 31, 2020.

Ang lalawigan ng Isabela ay mayroong 26 na panibagong nagpositibo sa COVID-19 at mayroong 447 active cases kahapon (Dec. 13, 2020).

Ang bahagi ng pahayag ni Gov. Rodito Albano