--Ads--

CAUAYAN CITY– Naitala ngayong araw sa lalawigan ng Isabela ang 55 panibagong kaso ng COVID-19.

Sa inilabas na abiso ng pamahalaang panlalawigan, 16 anim sa mga bagong kaso ang mula sa Cauayan City, 12 sa Ilagan City, 8 sa Ramon, tig-aapat sa Tumauini at Naguilian, tatlo sa Echague, tig-dadalawa sa Roxas, lunsod ng Santiago at San Mariano habang tig-iisa sa Gamu at Cabatuan.

Dahil dito, nasa 486 na ang aktibong kaso ng COVID-19 sa Isabela.

Walo dito ang non-authorized persons outside residence, 28 ang health worker,25 ang pulis at 424 ang mula sa local transmission.

--Ads--

Magandang balita naman dahil 26 ang naidagdag sa mga gumaling.

Muling pinaalalahanan ng pamahalaang panlalawigan ang publiko na sundin ang mga alituntunin at huwag lumabas sa tahanan kung hindi kinakailangan.