CAUAYAN CITY-Naitala ngayong araw sa Isabela ang 72 panibagong kaso ng COVID 19.
Dahil sa panibagong mga nagpositibo sa sakit umakyat na sa 497 ang total COVID-19 cases ng lalawigan.
Naitala din ngayong araw ang limampu’t tatlong recoveries.
Nangungauna ang bayan ng San mariano sa may pinakamaraming nagpositibo na may 18, sinundan ng Ilagan City na 17, Naguilian na may 11 at Gamu na may siyam.
Nakapagtala naman ng tig-tatatlong kaso ang bayan ng Jones, tumauini at Santiago city, dalawa naman ang naitala sa Ramon, habang may tig-iisang kaso ang mga bayan ng Angadanan, Burgos, Cabatuan,Luna,Reina Mercedes at Roxas .
Lima sa mga nagpositibo ay non-APOR, 30 ang health workers, 19 ang pulis ang Pulis at 443 ang mula sa local transmission.
Patuloy pa rin ang paalala ng mga kinauukulan sa publiko na sumunod pa rin sa mga panuntunan para manatiling ligtas sa virus.




