--Ads--

CAUAYAN CITY– Naitala ngayong araw sa Isabela ang record high na kaso ng COVID-19.

Sa inilabas na abiso ng provincial government ng Isabela, umabot sa 79 COVID-19 positive ang naitala sa loob lamang ng isang araw.

Sa nasabing bilang 13 ay mula sa bayan ng Luna, 12 San Mariano, tig-labing isa sa Ilagan City at Ramon, 9 sa Santiago City, 5 sa San Guillermo, 4 sa Cauayan City, tig-dadalawa sa Alicia, Benito Soliven at Cabagan habang tig-iisa sa mga bayan ng Angadanan, Jones, Quirino, Reina Mercedes, San Agustin, Echague, San Agustin at Aurora.

Dahil dito, 461 na ang aktibong kaso ng COVID-19 sa Isabela.

--Ads--

Dalawa ang Returning Overseas Filipino, 10 ang non-authorized persons outside residence, 13 ang health worker, 40 ang pulis at 376 ang mula sa local transmission.

Magandang balita naman dahil 36 ang naidagdag sa mga gumaling.

Muling pinaalalahanan ng provincial government ang publiko na sundin ang mga alituntunin at huwag lumabas sa tahanan kung hindi kinakailangan.