--Ads--

CAUAYAN CITY – Maglalaan ng pondo ang pamahalaang panlalawigan ng Isabela para sa pagbili ng COVID-19 vaccine.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Governor Rodito Albano na kung mayroon nang bakuna sa bansa ay bibili ang pamahalaang panlalawigan.

Gayunman ay hindi pa niya alam kung magkano ang ilalaang pondo ngunit pag-uusapan nila ito ng mga kapwa niya opisyal ng pamahalaang panlalawigan.

Ayon kay Gov. Albano, kung kailangang mangutang ay gagawin ng pamahalaang panlalawigan lalo na at ubos na ang calamity fund ng Isabela.

--Ads--

Prayoridad ang mga frontliners at mga matatanda kapag mayroon nang bakuna.

Bukod sa kanila ay gusto rin ng punong lalawigan na mabakunahan ang mga bata at mga may sakit o delikado ang kalagayan.

Muling pinaalalahanan ni Gov. Albano ang mga mamamayan na huwag maging kampante kahit mayroon nang bakuna kundi patuloy na sumunod sa mga panuntunan para maiwasan ang COVID-19.

Ang pahayag ni Gov. Rodito Albano