--Ads--

CAUAYAN CITY – Isinailalim sa isang araw na lockdown ang munisipyo ng San Mateo, Isabela matapos na magpositibo sa Coronavirus Disease (COVID-19) ng isang kawani.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Mayor Gregorio Pua, sinabi niya na work from home muna ang mga kawani sa kanilang munisipyo dahil pansamantala itong isinara ngayong araw para sa isasagawang disinfection bunsod ng pagpositibo ng isang kawani.

Sa Martes ay papasok na ulit ang mga kawani dahil regular holiday sa Lunes at umaasa sila na matatapos na rin ang contact tracing sa naturang araw.

Isinasagawa na ang contact tracing habang naka-isolate na rin ang mga kasama ng kawani sa kanilang opisina.

--Ads--

Isinailalim din sa lockdown  ang barangay sa San Mateo, Isabela kung saan nakatira ang pasyente hanggang matapos ang contact tracing at isasailalim sa isolation ang kanyang mga nakasalamuha.

Ayon kay Mayor Pua, asymptomatic  ang  pasyente na nasa isang ospital.

Nakapagtala na ng siyam na positibong kaso ng COVID-19 ang  San Mateo, Isabela subalit gumaling  na ang anim.

Pinaalalahanan ni Mayor Pua ang kanyang mga kababayan na mag-ingat at sumunod sa mga health protocols dahil walang pinipinili ang sakit lalo na at lumalabas na local transmission ang dahilan ng pagkahawa ng naturang pasyente.

Ang pahayag ni Mayor Gregorio Pua ng San Mateo, Isabela