--Ads--

CAUAYAN CITY– Mahigpit nang minomonitor ng Department of Agriculture (DA) region 2 ang bayan ng Solana, Cagayan dahil sa hinihinalang kaso ng African Swine Fever.

Ito ay dahil ang Solano ay mayroong border sa lalawigan ng Kalinga at Benguet.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Regional Executive Director Narciso Edillo ng DA region 2, kanyang sinabi na na pinaigting nila ang isinasagawang border to border quarantine at surveillance upang maiwasan ang pagpasok ng ASF sa lalawigan ng Cagayan.

Sa ngayon ay nagsasagawa na sila ng blood sampling sa mga alagang baboy sa Solana, Cagayan upang maisailalim sa pagsusuri.

--Ads--
Tinig ni Regional Executive Director Narciso Edillo, DA region 2

Magugunitang siyam na bayan dito sa Isabela ang nilackdown na dahil sa kaso ng ASF kung saan halos 1,000 nang baboy ang isinailalim sa Culling o pagbaon.