--Ads--

CAUAYAN CITY – Naitala na ang outbreak ng African Swine Fever (ASF) sa Luna, Isabela.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Municipal Agriculture Officer Nestor Labog, sinabi niya na nagkaroon na ng outbreak ang sakit ng baboy na ASF sa kanilang bayan dahil batay sa kanilang talaan, umabot na sa 1,921 na baboy ang naisailalim sa culling at mayroon na ring 258 hog raisers ang apektado.

Dahil dito, umabot na sa 13.22 million pesos ang halaga ng pinsala ng naturang sakit ng baboy sa naturang bayan.

--Ads--

Aniya, lahat ng mga alagang baboy sa mga barangay ay nakuhanan na ng sample at lahat ay positibo sa ASF.

Dagdag niya na batay sa kanyang mga nakukuhang impormasyon, ubos na rin ang mga buhay na baboy sa kanilang bayan.

Sa ngayon ay tapos na ang pagsasagawa nila ng culling noong unang linggo ng Setyembre sa mga baboy na tinamaan ng naturang sakit.

Tinig ni Municipal Agriculture Officer Nestor Labog ng Luna, Isabela