--Ads--

Magsasagawa ang Department of Energy (DOE) ng isang buwang maintenance shutdown sa Malampaya gas project simula ngayong araw ng Lunes, Hunyo 15, na maaaring magdulot ng hamon sa suplay ng kuryente sa Luzon.

Sa panahong ito, pansamantalang hihinto ang suplay ng natural gas mula sa Malampaya kaya gagamit ng alternatibong fuel source ang mga apektadong power plant.

Ayon sa DOE, layunin ng maintenance na matiyak ang ligtas at maaasahang operasyon ng pasilidad at maisama ang mga bagong balon ng gas na inaasahang magpapalakas sa lokal na suplay ng enerhiya.

Samantala, pinagana na rin ng DOE at National Power Corporation ang karagdagang mga generator sa Catanduanes upang makatulong na maiwasan ang brownout at mapatatag ang suplay ng kuryente sa lalawigan.

--Ads--