CAUAYAN CITY – Nadakip ang isang kasapi ng BFP Isabela Provincial Office matapos mahuli sa aktong pagtutulak ng hinihinalang dahon ng Marijuana sa Pambansang lansangan na nasasakupan ng Ipil, Echague,Isabela.
Ang suspek ay si FO1 Carl Bryan Ballesteros, 32 anyos, may asawa, kasapi ng ng BFP Isabela Provincial Office at residente ng nabanggit na lugar.
Isinagawa ng pinagsanib na pwersa ng mga kasapi ng Echague Police Station at PDEA Region 2 ang drug buybust operation na nagresulta ng pagkakadakip ng suspek.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PMajor Michael Esteban, hepe ng Echague Police Station, sinabi niya na nakipag-transaksyon ang suspek sa isang pulis na poseur buyer bitbit ang isang sachet ng hinihinalang shabu kapalit ng isang libong piso.
Bukod dito ay nakuha rin sa kanyang pag-iingat ang isang sachet ng hinihinalang shabu, isang rolyo ng alluminum foil, isang metal box na naglalaman ng hinihinalang shabu at tatlong piraso ng lighter.
Halos limang libong piso ang market value ng mga nasamsam na droga sa suspek bukod pa sa buybust item.
Kabilang sa high value individual list ng PDEA Region 2 at dati nang nasangkot sa illigal na pagtutulak ng droga ang suspek.
Sa ngayon inihahanda na ang kasong paglabag sa sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) at kasong administratibo laban sa suspek.











