--Ads--

Naglabas ng agarang babala ang militar ng Israel nitong Linggo sa mga residente ng 11 bayan at nayon sa southern Lebanon, kung saan hiniling ang agarang paglikas at paglipat nang hindi bababa sa 1,000 metro patungo sa mga bukas na lugar.

Ayon sa militar, isinasagawa nila ang mga operasyon laban sa Hezbollah matapos umano ang paglabag sa kasunduan ng tigil-putukan. Nagbabala rin ito na maaaring maapektuhan ang sinumang malapit sa mga miyembro o pasilidad ng Hezbollah.

Patuloy na nagsasagawa ng mga pag-atake ang Israel sa southern Lebanon at nananatili rin ang presensya ng kanilang mga tropa sa ilang bahagi ng timog ng bansa, kung saan sinisira umano ang mga istrukturang ginagamit ng Hezbollah.

Samantala, nagpapatuloy din ang mga drone at rocket attack ng Iran-backed na Hezbollah laban sa mga tropa ng Israel sa Lebanon at sa hilagang bahagi ng Israel.

--Ads--