--Ads--

Kinumpirma ng Israel Defense Forces na nagsagawa ito ng airstrikes sa capital ng Iran na Tehran at sa capital ng Lebanon na Beirut.

Tinarget ng kanilang operasyon ang mga pasilidad at military targets sa dalawang lungsod. Isinagawa ang mga pag-atake humigit-kumulang isang oras matapos maglabas ang IDF ng babala sa mga residente ng southern suburbs ng Beirut at sa ilan pang bayan upang lumikas.

Ayon sa IDF, tinukoy sa operasyon ang mga command center at imbakan ng armas na ginagamit ng grupong Hezbollah. Pinayuhan ang publiko na umiwas sa mga gusaling may kaugnayan sa naturang grupo dahil maaaring malagay sa panganib ang sinumang naroroon.

Nagpalabas ng babala ang tagapagsalita ng IDF sa wikang Arabic upang himukin ang agarang paglikas ng mga residente para sa kanilang kaligtasan.

--Ads--