--Ads--

Inihayag ni Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu na sinusuportahan nila ang desisyon ng Estados Unidos na suspendihin ang mga pag-atake laban sa Iran sa loob ng dalawang linggo, ngunit nilinaw na ang truce ay hindi kasama ang Lebanon.

Ayon sa pahayag na inilabas sa X, sinabi ni Netanyahu na ang Israel ay sumusuporta sa mga pagsisikap ni US President Donald Trump na tiyakin na hindi na magbibigay banta ang Iran sa pamamagitan ng mga nuclear, missile, at terorismo laban sa Amerika, Israel, mga kalapit bansa ng Iran, at ang buong mundo.

Idinagdag pa ni Netanyahu na ipinaabot ng Estados Unidos sa Israel ang kanilang commitment na tuparin ang mga layuning ito sa mga negosasyong gaganapin sa Islamabad, Pakistan sa Biyernes.

Ang pahayag na ito ni Netanyahu ay matapos ang anunsyo ni Pakistani Prime Minister Shehbaz Sharif na ang US, Iran, at kanilang mga alyado ay nagkasundong magpatupad ng agarang tigil-putukan sa lahat ng lugar, kabilang ang Lebanon at iba pang lugar.

--Ads--