--Ads--

Nakamit ni Jack Animam ang kanyang kauna-unahang professional championship matapos tulungan ang Denso Iris na maghari sa 2026 Women’s Japan Basketball League nitong Linggo sa Keio Arena, Tokyo.

Sa Game 4 ng best-of-five finals series, pinabagsak ng Denso ang Toyota Antelopes sa iskor na 71-50, upang masungkit ang kanilang unang titulo sa prestihiyosong liga.

Ang 27-anyos na Filipina center ay kabilang sa starting five at nag-ambag ng 2 puntos, 2 rebounds, at 1 block, habang ang beteranong si Maki Takada, isang Olympian, ang nanguna sa panalo sa pamamagitan ng 21 puntos, 7 rebounds, 1 assist, 1 steal, at 1 block.

Sa tagumpay na ito, hindi lamang nakapagtala si Animam ng personal na milestone, kundi nakatulong din siya sa kasaysayan ng Denso Iris na makuha ang kanilang unang kampeonato sa Women’s Japan Basketball League.

--Ads--