--Ads--

Nakabalik na sa laro si Japeth Aguilar para sa Barangay Ginebra matapos ang ilang linggong pahinga dahil sa injury, habang papalapit ang quarterfinals ng PBA Commissioner’s Cup.

Ayon sa 6-foot-9 na veteran player, masaya siyang muling makapaglaro kasama ang kanyang kuponan matapos ang kanilang 93-86 panalo kontra TNT sa pagtatapos ng eliminations.

Ibinahagi ni Aguilar na ang kanyang pagbabalik ay naging bahagi rin ng kanyang paghahanda para sa nalalapit na playoffs.

Napaulat na si Aguilar ay dalawang linggong nagpapagaling matapos ma-diagnose na may pneumomediastinum o pagkakaroon ng hangin sa pagitan ng kanyang mga baga, na nakuha niya matapos mahulog nang mabigat sa laro kontra Blackwater noong Abril 24.

--Ads--

Dahil dito, hindi siya nakalaro sa tatlong sunod na laban ng Gin Kings.

Sa kanyang pagbabalik, agad siyang isinabak bilang starter ng Ginebra sa kanilang huling elimination game, kung saan nakaharap pa niya ang TNT import na si Bol Bol.

Bagama’t kinapos sa ilang plays, sinabi ni Aguilar na nagpapasalamat siya na hindi naging malala ang kanyang kondisyon at itinuturing niyang malaking biyaya ang muling makabalik sa court.