Tinanggal na bilang head coach ng Dallas Mavericks si Jason Kidd matapos ang limang taong panunungkulan sa koponan.
Sa loob ng kanyang pananatili sa Mavericks, nagawa ni Kidd na pangunahan ang koponan upang masungkit ang Western Conference championship noong 2023-2024 season at maabot ang NBA Finals noong 2024.
Gayunman, naitala rin niya ang tatlong losing seasons sa ilalim ng Mavericks, kabilang ang katatapos lamang na season kung saan nagtapos ang koponan na may 25-56 win-loss record.
Sa inilabas na official statement ng Dallas Mavericks ngayong May 20, nagpahayag ang koponan ng pasasalamat sa naging kontribusyon ni Kidd, hindi lamang bilang dating manlalaro kundi maging bilang head coach.
Ayon sa Mavericks, malaki ang naitulong ni Kidd sa franchise, lalo na nang madala niya ang koponan sa NBA Finals noong 2024.
Matatandaang pumirma si Kidd ng contract extension noong Oktubre 2025, na may natitira pa sanang apat na taon at tinatayang $40 million na halaga.
Gayunman, sinabi ng Mavericks na nagkasundo ang pamunuan ng koponan at ang kampo ni Kidd na tuluyan nang tapusin ang kanilang ugnayan.





