--Ads--

Masasabi na maayos ang relasyon nina John Estrada at Priscilla Meirelles pagdating sa kanilang anak, batay sa naging update ni John sa social media.

Ibinahagi ni John ang pagdalo nila sa isang TEDx event sa paaralan ng kanilang anak, kung saan naging abala sila sa mga workshop at nakinig sa iba’t ibang inspirational speakers. Ayon sa aktor, naging makabuluhan ang kanilang pagdalo sa naturang aktibidad na inorganisa ng mga estudyante.

Ngunit higit sa lahat, labis ang kanilang pagmamalaki dahil dalawang beses na nagtanghal ang kanilang anak na si Anechka Estrada. Una siyang tumugtog kasama ang kanyang banda, at kalaunan ay kinanta rin ang sariling komposisyon na pinamagatang “Worth Crying For,” na isinulat umano niya sa loob lamang ng dalawang araw.

Ayon kay John, labis ang kanilang tuwa at pagmamalaki ni Priscilla sa ipinakitang talento ng kanilang anak.

--Ads--

Dahil dito, marami ang nagsasabi na maituturing na bahagi sila ng tinatawag na modern family setup sa showbiz, kung saan kahit may nakaraang isyu, nananatiling nakatuon ang magulang sa suporta at tagumpay ng kanilang anak.