--Ads--

Nagbahagi si John Lloyd Cruz ng larawan ng kanyang nobyang si Isabel Santos matapos ang halos tatlong linggo mula nang mag-deactivate ito ng kanyang Instagram account.

Sa kanyang Instagram account na @dumpsitegallery, nag-post ang aktor ng larawan ni Isabel na may blonde na buhok at may hawak na payong at cellphone. Hinala ng ilan, kuha ang larawan sa ibang bansa. Wala namang inilagay na caption si John Lloyd sa naturang post.

Kapansin-pansin din na kabilang sa mga nag-like sa larawan si Ellen Adarna, dating karelasyon ni John Lloyd at kaibigan ni Isabel.

Matatandaang nagkaroon ng iba’t ibang espekulasyon sa social media matapos mag-deactivate ng Instagram account si Isabel noong Hunyo 11. Nauna rin siyang nagbahagi ng ilang makahulugang post bago ang kanyang ika-36 na kaarawan na nagbunsod ng iba’t ibang interpretasyon mula sa mga netizen.

--Ads--

Sa kabila nito, marami ang naniniwalang ang pag-post ni John Lloyd ng larawan ni Isabel ay nagpapakita na maayos ang kanilang relasyon sa kabila ng mga lumutang na haka-haka online.