--Ads--

Hindi muna prayoridad ng aktor na si Gerald Anderson ang pagkakaroon ng bagong karelasyon dahil nakatuon ang kaniyang atensyon sa trabaho at iba pang personal na mithiin.

Sa isang contract signing sa Pasig City nitong Miyerkules, sinabi ni Anderson na wala siyang girlfriend sa ngayon at kuntento siya sa kasalukuyang yugto ng kaniyang buhay.

Dagdag pa ng aktor, wala rin siyang dahilan upang ilihim ang kaniyang relasyon sakaling may dumating na bagong pag-ibig sa kaniyang buhay.

Matatandaang huling nakarelasyon ni Anderson ang aktres na si Julia Barretto. Kinumpirma ng dalawa ang kanilang relasyon noong 2021, bago inanunsyo ng Star Magic noong Setyembre 2025 ang kanilang mutual decision na maghiwalay.

--Ads--

Sa ngayon, bukod sa mga nakatakdang serye at pelikula para sa Netflix, abala rin ang aktor sa ilang proyektong ginagawa sa likod ng kamera.