--Ads--

Naging usap-usapan online ang umano’y hiwalayan nina John Lloyd Cruz at artist na si Isabel Santos matapos i-deactivate ng huli ang kanyang Instagram account.

Bago ito, nagbahagi si Isabel ng ilang cryptic posts tungkol sa kaarawan at mga lalaki, kabilang ang mensaheng “Men don’t protect you anymore,” na lalo pang nagpaigting sa mga haka-haka ng netizens.

Bagama’t wala pang opisyal na pahayag mula kina John Lloyd at Isabel, marami ang nagtatanong kung may kinalaman dito ang kanilang relasyon. Samantala, naaalala rin ng publiko ang mga pahayag ni Ellen Adarna kamakailan tungkol sa hindi na niya paniniwala sa pag-ibig at hindi pakikipagbalikan sa mga dating karelasyon.

Sa ngayon, nananatiling espekulasyon lamang ang mga usapin hinggil sa estado ng relasyon nina John Lloyd at Isabel.

--Ads--