--Ads--

CAUAYAN CITY – Tinawag ni Governor Rodito Albano na kalokohan ang pinagtibay na panukalang batas na nagtataas sa election spending sa kampanya ng mga kandidato.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Gov. Albano na maraming kandidato ang nagdedeklara ng kanilang ginastos sa kampanya ngunit hindi ito totoo dahil marami ang sobra-sobra ang kanilang ginastos.

Ang toto aniya ay sky is the limit sa election pending sa Pilipinas.

--Ads--

Binigyang-diin ni Gov. Albano na dapat hindi na ginawa ang nasabing panukalang batas dahil hindi naman masusunod

Hindi nasusunod ag election spending dahil overspending lagi ang mga pulitiko

Tinig ni Gov. Rodito Albano ng Isabela

Matatandaang sa pinagtibay na panukalang batas ay ang dating 10 pesos ay magiging 50 pesos ang puwedeng gastusin ng national candidate sa bawat botante habang 10 pesos mula sa 3 pesos ng local candidate