--Ads--

Nilinaw nitong Biyernes, Agosto 14 ng kampo ni Vice President Sara Duterte na hindi banta ang kanilang pahayag na maaaring humarap sa parehong kapalaran ang iba pang impeachable officials, kabilang ang Pangulo, kung maaaring kasuhan at usigin ang isang nakaupong bise presidente.

Ito ang tugon ng kampo ng bise presidente sa pahayag ni Palace Press Officer Claire Castro, na nagtanong kung naglalabas na naman ng panibagong banta ang kampo ni Duterte.

Ayon sa legal counsel ni VP Sara sa kasong grave threats na si Atty. Paul Lawrence Lim, “statement of fact ” lamang ito at hindi isang banta. Giit niya, kung ang bise presidente ay maaaring kasuhan habang nakaupo, maaari rin itong mangyari sa iba pang impeachable officials.

“The vice president is not the only impeachable officer… if she will be treated this way ‘yun na rin ba ang mangyayari din sa iba? Is that the meaning of that? Tama naman sinabi niya ‘no one is above the law’. I agree with that. If the vice president has to answer for example for any crime, should it be now that she is still a sitting vice president? Or later when she is no longer, if ever?,” tanong ni Atty. Lim.

--Ads--

Nauna nang hiniling ng kampo ni Duterte na ibasura ang grave threats cases dahil umano sa kawalan ng hurisdiksyon ng korte. Naghain din sila ng mosyon para ipagpaliban ang arrest warrant habang hinihintay ang desisyon sa usapin ng hurisdiksyon.