--Ads--

CAUAYAN CITY – Patay ang isang karpintero matapos makuryente sa loob ng kanyang bahay sa barangay Aurora, Alicia, Isabela.

Ang biktima ay si Manuel Quimming, 52 anyos at residente ng Aurora, Alicia, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan, pasado 6:30 kagabi nang mapansin ng mga kapatid niya na madilim ang kanyang bahay.

Pinuntahan nila ito at nakita ang nakahandusay na katawan ni Quimming.

--Ads--

Itinakbo pa siya sa ospital subalit idineklarang dead on arrival.

Nakarinig umano ng pagsabog ang kanyang mga kapitbahay sa nasabing oras.

Nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang Alicia Police Station sa pagkamatay ng biktima.