--Ads--

CAUAYAN CITY – Patuloy ang ginagawang pagbakuna ng pamunuan ng City Agriculture Office sa lahat ng barangay sa lungsod ng Cauayan.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Dr. Ronald Dalauidao ng city veterinary office na tinatayang nasa 70 porsyento na sa lahat ng barangay sa lungsod ay nabakunahan na ang kanilang mga alagang hayop.

Bago aniya matapos ang kasalukuyang taon ay inaasahan na matatapos na nila ang ginagawang pagbakuna sa 65 barangays sa Cauayan City.

Inamin din nito na tumaas ang kaso ng mga nakagat ng aso sa Isabela kung saan maaaring umabot na umano sa 50, 000 ang nabiktima sa unang anim na buwan ngayong taon.

--Ads--

Ito aniya ang dahilan kaya patuloy ang pagbakuna ng mga kinauukulan sa mga alagang hayop lalo na sa mga galang aso.