--Ads--

CAUAYAN CITY– Bumaba na sa mahigit 20 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa Santiago City.

Sa naging pahayag ni Mayor Joseph Tan, sa kabuoan ay nakapagtala na ang Santiago City ng 565 na kaso ng COVID-19.

Ang tuluyan gumaling ay 539 habang ang natitirang 20 ay patuloy na nagpapagaling.

Kagabi ay kinumpirma naman ng pamahalaang lunsod ang 5 karagdagang kaso na kinabibilangan ng dalawang market vendors habang ang tatlo ay mga senior citizen na mula sa mga Barangay ng Victory Norte, Victory Sur at General Malvar.

--Ads--

Ayon sa Punong Lunsod, bunga pa rin ito ng isinasagawa nilang malawakang pagsusuri.

Batay sa talaan ng City Health Office o CHO, nasa 17% na ng papulasyon sa Santiago City ang nasuri o 23,000 na indibiduwal.

Sa naturang bilang ay 14,093 ang sumailalim sa rapid test tabang halos 9,000 naman ang sumailalim sa swab test.

Magugunitang isa ang Santiago City sa mga lugar sa bansa na nagtala ng pinakamataas na kaso ng kinapitan ng virus.