--Ads--

Binigyang-diin ng Malacañang na may matibay na ebidensya at walang bahid ng politika ang mga kasong plunder at graft laban kay Senador Rodante Marcoleta.

Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro sa isang press conference sa Vancouver, may sapat na espasyo ang senador para ipagtanggol ang sarili sa korte, habang obligasyon naman ng pamahalaan na usigin ang mga may pananagutan.

Dagdag pa rito, nanindigan ang Palasyo na walang “selective justice” sa administrasyong Marcos Jr., dahil malinaw na nakalatag sa resolusyon ng Ombudsman ang mga basehan ng kaso.

Tiniyak din ni Castro na hindi matitinag ang gobyerno sa anumang pressure upang mapanatili ang hustisya at mapanagot ang mga tiwali.

--Ads--