--Ads--

CAUAYAN CITY – Naitala sa Jones, Isabela ang kauna-unahang namatay sanhi ng Coronavirus Disease (COVID-19).

Sa inilabas na abiso ng pamahalaang bayan ng Jones ang nasawing pasyente ay si CV 5775, 65 anyos na babae, may asawa at residente ng barangay Dibuluan, Jones, Isabela.

Walang kasaysayan ng paglalakbay at history of exposure ang nasawing pasyente subalit mayroon siyang comorbidities tulad ng hypertension, diabetes mellitus at asthma.

Bukod dito ay mayroon din siyang mga sintomas na ubo, hirap sa paghinga at diarrhea.

--Ads--

Kinunan siya ng swab sample noong ika-9 ng Enero 2021 at lumabas na positibo sa COVID-19.