--Ads--

CAUAYAN CITY Inaresto ang isang kawani ng pamahalaang lokal na Tumauini, Isabela matapos masamsaman ng mga baril, bala at droga sa pagsisilbi ng search warrant ng Tumauini Police Station.

Ang inaresto ay si Cornelio Diaz, 33 anyos, driver/operator at residente ng Antagan 2nd, Tumauini, Isabela.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PMaj. Rolando Gatan, hepe ng Tumauini Police Station, sinabi niya na nag-ugat ito sa sumbong ng isang concerned citizen na tuwing nalalasing si Diaz ay nagpapaputok ng baril.

Bineripika nila ito at nang mapatunayan ay sinilbihan ng search warrant ang suspek na nagbunga ng pagkakumpiska ng isang Caliber 22 revolver na may limang bala, dalawang transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang pinatuyong dahon ng Marijuana, isang Caliber 38, anim na bala ng Caliber 38, anim na bala ng Caliber 45, 10 bala ng 12-gauge shotgun, isang bala ng Caliber 22, isang leather holster, isang homemade shotgun, isang fired cartridge case ng shotgun at isang coverted barrel ng Caliber 22.

--Ads--

Itinanggi ng suspek na sa kanya ang mga kontrabando dahil pag-aari umano ito ng kanyang kapatid na patay na.

Dahil dito, sisiyasatin ng Tumauini Police Station kung may kaugnayan ito sa pagpapakamatay noon ng kapatid ni Diaz dahil hindi nila narekober ang baril na ginamit sa pagkitil ng kanyang buhay.

Ayon pa kay PMaj. Gatan, newly identified si Diaz pagdating sa paggamit ng iligal na droga at wala ring kinalaman ang kanyang trabaho bilang kawani ng LGU Tumauini.

Nagpapasalamat sila dahil hindi nanlaban ang suspek nang isilbi ang search warrant.

Si Diaz ay mahaharap sa mga kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at Republic Act 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

Ang pahayag ni PMaj Rolando Gatan.